Sa pamamagitan ng construct procedure bigyan ng interpretasyon kung paano tinanggap ng mga pilipino noon at ngayon ang komiks bilang bahagi ng lipunang pilipino
Question
1 Answer
-
1. User Answers ivankenchua
Explanation:
Noon
Noon ang Komiks daw ang pinakalibangan ng Nanay, Tatay, mga Tita at Tito ko . Madalas nilang kinukuwento sa harap ng hapunan ang mga titulo ng mga komiks na kanilang kinagiliwan tulad ng Aliwan, Love Stories, Wakasan , Liwayway at marami pang iba. Sinusubaybayan daw nila ang mga nobela sa komiks . Inaabangan ang araw ng labas ng komiks upang malaman kung ano ang susunod na mangyayari sa paborito nilang bida. Halagang 0.75 sentimos lang daw ang bawat komiks noon. At di kalaunan noong Dekada’80, inumpisahang gawing pelikula ang mga ito at pinagbidahan pa ng ilan sa sikat nating mga artista tulad nina Sharon Cuneta, Christopher de leon, Cherie Gil , Vilma Santos, Nora Aunor at marami pang iba.Pinakapaborito daw nila sa lahat ang “Bituing Walang Nining” na isinulat ni Nerissa Cabral.
Ngayon
Ngayon, hindi na gaanong mabenta ang komiks. At ayon sa aking pagmamasid malaki ang naging impluwensya ng kolonial sa aking henerasyon. Hindi malayong matawag kang “baduy” o “bakya” o pang-masa kapag nagbasa ka ng komiks o ano mang librong naisulat sa wikang Filipino. Ang madalas na nakikita kong binabasa at binibili ngayon ay ang mga librong nakalimbag sa Ingles. Maging sa pagpili ng istasyon sa telebisyon puro sa istasyon ng mga dayuhan ang tinatangkilik.
Nagbabago ang panahon, sumasabay din magbago ang kultura. Kailangan din sumunod ng mga tao kung ano ang uso , kung hindi ay tiyak na mapag-iiwanan sila.
Ako, sumasangayon ako sa panghihinayang sa tuluyang paglaho ng komiks sa ating kasalukuyang panahon .
Payak ang pamumuhay noon ginawang masalimuot dahil sa nagbabagong panahon. Parang komiks …may mga bagay na nagwakas at may mga bagay na itutuloy.